METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA)

MMDA Building, EDSA corner Orense Street, Guadalupe, Makati City

MMDA Contact Number(s):

MMDA Hotline: 136, MMDA Duty Officer: +63 917-5618711
Trunklines: +632 882-4154 to 74, Flood Control: +632 882-0925

MMDA Website Contact Page:
http://www.mmda.gov.ph/contact.html

Have something to say?

Think carefully before posting a comment because you are entirely accountable for what you write. For guidance, please refer to our Disclaimer page.

Please note that this page may not be actively monitored by the Management & Staff of METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA), and as a result, they may not be able to respond to your comment or inquiry immediately. If you have an urgent concern, we recommend contacting them directly through their provided contact number(s) or email.

85 Responses to METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA)

  1. Anthony S. Torrecampo says:

    Magandang Araw Po.

    Isa po akong OFW na nagkaroon ng simpleng pangkabuhayan. Ang amin pong simpleng hanap buhay ay natupad bunga ng paghihirap at pagtatrabaho sa dayuhang bansa ngunit malayo sa piling ng mga mahal sa buhay. Ito po ay isang maliit na inland resort at nagkakatulong na magbigay ng kahit kapiranggot na kita sa local na komunidad. Nagbabayad po kami ng buwis kada taon ayon at alinsunod sa alituntunin ng pamahalaan.
    Ngunit ang aming munting kahilingan sa local na pamahalaan ng Caloocan bilang kapalit serbisyo po ng pamahalaan sa binabayad naming buwis ay di po mapagbigyan, hindi lamang sa aming inland resort kundi pati sa mga bahay bahay sa local na kumunidad. Ito po ay ang regular na koleksyon ng basura. Ang truck na nag kokolekta ng basura ay dumadaan na lamang at di na pinapansin ang aming mga nakatambak, nilalangaw at nangangamoy na basura. Kung nais nyo po ito ay kukunin ng garbage truck, kailangan mong magbigay ng pera sa garbage truck ng halagang 50 to 150 pesos. Ito po ay naitawag na sa kinaukolan ng local na pamahalaan ng Caloocan ng maraming beses. Ang sagot po ng isang empleyado ng Caloocan Cityhall po ay “WALA PO KAMING MAGAGAWA DYAN, KAILANGAN NYO NG PRIVATE GARBAGE COLLECTOR KASI KAYO PO AY ISANG ESTABLISHMENT”.
    Ang aming naiipon po na basura sa isang araw ay isa o dalawang garbage bag lang po kapag araw at gabi meron kaming guest, ngunit hindi naman po araw araw may guest kasi po seasonal ang kita ng isang resort. Kung totousin po ang aming naiipon na basura ay katumbas lamang po sa naiipon na basura sa isang malaking pamilya. Di po kakayanin ng kita ng aming maliit na hanapbuhay ang pangtostos sa isang Private Garbage Collector. Araw araw po naman dumadaan ang truck na nangungulekta ng basura at pwede naman nila kolektahin at binabayaran din naman namin sila kapag ito ay kanilang dinadampot kahit alam naming bawal mag bigay ng pera sa kanila para po maiwasan ang simpleng praktis ng CORRUPTION.
    Ang basura po ay ang isa sa mga pangunahing pinagmulan ng epidemya kapag di po ma solusyunan. Isa rin po itong sanhi sa malawakang pagbabaha pag dating ng panahon ng tag ulan. Ang iba pong mga kabahayan ay sinosunog na lang po ng mga basura kahit na alam po nila na ito ay mahigpit na pinagbabawal ng DENR. Wala na po silang option kaysa langawin at mangamoy ang kanilang pamamahay.
    Mismong mga simpleng kolektor ng mga basura ay natoto na rin po mangurap. Alam po namin na ang trabaho po nila ay napakahirap. Yung pagbibigay po namin ng barya, pagkain, tubig tuwing nangungulekta sila ng basura ay maluwag sa aming kalooban, ngunit ang nangyayari po ngayun ay ginagawa na po nilang hostage ang basura para po sila maka kolekta ng pera.
    Paulit ulit na po ito na problema sa local na pamahalaan ng Caloocan at di po nila masulosyunan ng permanente.
    Ang aming maliit na inland resort ay nasa St. Dominic Phase 2, Maranao St., Deparo, Caloocan City.
    Sana po ay mabigyan ng pansin ang aming kahilingan at ito po malaking tulong na rin sa local na komunidad ng St. Dominic Phase 2.

  2. johnray25 says:

    Paki operate naman ang buong bagumbong, deparo at novaliches sobrang kalat at wala ng madaanan ng tao

  3. George Pitt says:

    Paki operate naman po bago bantay. Sana after 9pm ng gabi. Dami illegal park. Ang hirap mag drive. Masikip na at dami pa illegal parking. Ano ba yan!